Sariling Wika Ipagmalaki Mo


Sariling Wika Ipagmalaki Mo


  Alam nating lahat na sa bawat bansa sa mundo ay mayroong iba’t-ibang pambansang wika na kanilang ipinagmamalaki at ginagamit. Ang wikang pambansa ay isa sa nagpapakita kung saang bansa talaga tayo nanggaling. At ito ay napakamahalaga dahil ito ay nakakatulong sa ating sarili, sa lipunan at sa pakikipagsalamuha sa kapwa pabigkas man o pasulat.

Sa ating bansa, ang wikang Filipino ay ang ating pambansang wika at opisiyal na wika ng bansang Pilipinas. Ang wika na ito ay isa sa mga bagay na sumisimbolo sa ating pagiging Pilipino. Ito ay ating ginagamit sa pakikipagkomunikasyon lalong-lalo na sa kapwa Pilipino dahil ito ang wika na halos lahat tayong mga Pilipino ay alam gamitin ang wikang ito. Kahit minsan, nahihirapan na tayong magsalita gamit ang wika na ito, dapat hindi pa rin tayo mawalan ng pag-asa at hindi tayo hihinto sa paggamit nito. Dapat ipagmalaki natin ito kahit saan man tayo magpunta. Dapat hindi nating makakalimutan ang paggamit nito kahit na mas maraming beses na tayong gumagamit ng wikang ingles kaysa sa ating wikang pambansa. At kahit sino man ay pwedeng makatulong sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng ating wikang Pilipino sa pamamagitan ng paggamit nito sa pakikipag-usap sa ibang tao, at sa pagbabasa ng mga kwento o kahit ano na gumagamit ng wikang Filipino. Dahil sa pamamagitan nito, mas magkakaroon tayo ng mas malawak na kaalaman sa paggamit ng wikang Filipino upang pwede natin itong maituro sa iba at para mas marami na ang gagamit nito lalong-lalo na ang mga Pilipino na hindi na gumagamit nito.

Kahit saan man tayo magpunta, dapat hindi natin makalimutan ang ating wikang pambansa lalong-lalo na ang wikang Filipino. Dapat natin itong alagaan, pahahalagahan at ituring na kayaman upang mas magiging maunlad pa ang paggamit nito lalong-lalo na sa mga susunod na kabataan.

Comments

  1. Sa paglipas ng bawat siglo
    Tila ba pag gamit ng wika'y nagbabago
    Ngunit ang mahalaga'y
    Nagkakaintindihan tayo

    Bahagi na ito ng aking kabataan
    Kaya dapat ngang pangalagaan
    Manatili sana sa ating isipan
    Na ang wika, yan ang ating paksa. Isa puso't diwa ang ating wika
    bansa natiy dito nkalathala
    wika'y ginto sa ating lupa
    lamunin man tayo ng banyaga
    wika natin ay di pakakaisa!
    tatak pinoy kunq tawagin
    taas noo wika'y mahalin pangalagaan ang ating wika
    sapagkat dito tayo ng simula. Gamitin, ipagmalaki at mahalin ang Wikang Filipino

    ReplyDelete

Post a Comment