Sariling Wika Ipagmalaki Mo

Sariling Wika Ipagmalaki Mo Alam nating lahat na sa bawat bansa sa mundo ay mayroong iba’t-ibang pambansang wika na kanilang ipinagmamalaki at ginagamit. Ang wikang pambansa ay isa sa nagpapakita kung saang bansa talaga tayo nanggaling. At ito ay napakamahalaga dahil ito ay nakakatulong sa ating sarili, sa lipunan at sa pakikipagsalamuha sa kapwa pabigkas man o pasulat. Sa ating bansa, ang wikang Filipino ay ang ating pambansang wika at opisiyal na wika ng bansang Pilipinas. Ang wika na ito ay isa sa mga bagay na sumisimbolo sa ating pagiging Pilipino. Ito ay ating ginagamit sa pakikipagkomunikasyon lalong-lalo na sa kapwa Pilipino dahil ito ang wika na halos lahat tayong mga Pilipino ay alam gamitin ang wikang ito. Kahit minsan, nahihirapan na tayong magsalita gamit ang wika na ito, dapat hindi pa rin tayo mawalan ng pag-asa at hindi tayo hihinto sa paggamit nito. Dapat ipagmalaki natin ito kahit saan man tayo magpunta. Dapat hindi nating makakalimutan ang paggamit nito ...